83

By

Masisilat sa Lakers? Davis gusto rin sa Knicks

Dahil sa napabalitang napurnada ang trade talks sa pagitan ng Los Angeles Lakers at New Orleans Pelicans, umentra sa eksena ang New York Knicks sa usapang paglipat ni Anthony Davis.

Ayon kay Marc Stein ng New York Times, kasama na sa pinagpipilian ni Davis ang Knicks bilang isa sa mga koponan kung saan pipirma siya ng long-term contract.

Ngunit malabong makuha ng Knicks ang six-time All-Star bago matapos ang trade deadline lalo pa’t wala silang piyesa para mapapayag ang Pelicans.

Naipamigay na ng Knicks ang kanilang star player na si Kristaps Porzingis sa Dallas Mavericks, ang posibilidad na lang na maligawan si Davis at sa 2020 free agency.

Maganda ang tsansa ng Knicks lalo’t sila ang may pinakamalaking cap space sa susunod na season, posibleng masungkit si Davis at iba pang bigtime free agent para makabuo ng contender.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?