39

By

Mascot ng Sacramento, ‘tinadyakan’ nina Giannis, Milwaukee Bucks

Napagdiskitan ng mga Milwaukee Bucks player ang mascot ng Sacramento Kings na si Slamson the Lion.

Sa video na pinost sa official Twitter account ng Bucks, makikita na nakikipagtitigan si Slamson sa sentrong si Robin Lopez.

Nang aktong gaganti na ay biglang pinagtulungan ng Milwaukee at kunwaring tinadyakan ito habang nakahiga sa ground.

Nang makabangon ay pinalasap naman ni reigning NBA MVP Giannis Antetokounmpo ang finishing move na ‘Cobra’ na kinabagsak ng mascot.

Kilala ang Milwaukee sa kanilang pre-game antics na ginagaya ang eksena sa wrestling, partikular ang WWE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?