443

By

Masbate, Catanduanes niyanig ng 9 lindol

Siyam na lindol ang tumama sa Masbate at Catanduanes mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, mula 1.8 hanggang 3.3 magnitude ang mga lindol.

Karamihan umano ay nai-report sa bayan ng Pio V. Corpuz.

Lima sa mga lindol ay tectonic ang origin na pinakalamakas ang 3.3 magnitude na naramdaman noong Huwebes.

Sinundan ito ng 3.0 magnitude quake dakong ala-1:19 ng madaling-araw at mga serye ng lindol na magnitude 2.3 (1:37 a.m.), 2.8 (1:42 a.m.) at 1.8 (5:39 a.m.) noong Biyernes.

May naitala ring magnitude 2.3 sa bayan ng Batuan na tectonic ang origin noong Huwebes ng alas-11:43 ng gabi.

Sa bayan ng Mobo umuga ang 2.6 magnitude noong Biyernes dakong alas-2:11 ng madaling-araw noong Biyernes at panibagong 2.7 magnitude alas-4:38 ng hapon sa San Fernando.

Naitala naman ang 2.7 magnitude quake alas-10:44 ng gabi noong Biyernes sa Catanduanes.

Paggalaw umano ng fault lines sa Masbate at Catanduanes ang dahilan ng mga naitalang lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?