340
Masaya kami ni Maine, ‘yun ang importante - Arjo
By

Masaya kami ni Maine, ‘yun ang importante – Arjo

“Very happy” umano ang pakiramdam ni Arjo Atayde sa pag-amin ni Maine Mendoza na nagdi-date sila.

Aniya, ayaw niyang madaliin si Menggay kaya one step at a time muna sila.

Sinabi rin nitong hindi na sila naaapektuhan ni Maine sa mga basher dahil kapwa sila masaya ngayon.

“We are both really happy. I am. I don’t want to speak for her. I am very happy. I think that’s what matters now. With my career, ABS is taking care of me. My personal life is good. My family is fine. I am very happy. Kuntento po ako ngayon,” saad ni Arjo sa ABS-CBN report.

Kung maaari rin umano ay gusto nilang pribado lang ang kung anumang pinagdadaanan nila ni Maine dahil hindi umano basehan ng relasyon ang mga posting sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?