69

By

Masahista binaril sa mukha sa loob ng taxi

Wasak ang mukha ng 47-anyos na massage therapist matapos barilin sa mukha ng dalawang ‘di kilalang lalaki na magka-angkas sa isang motorsiklo sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang biktima na si Flora Tortoga Magbago, biyuda, at nakatira sa No. 92 Dahlia St., Sitio Incenerator St., Brgy. Bahay Toro, QC.

Naisugod pa ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit idineklara itong dead on arrival dahil sa isang tama ng kalibre .45 na baril sa mukha.

Batay sa imbestigasyon, kasama ni Magbago ang dalawang anak na sina Loreto at Ryan Ross at apo na si Eleiza Florence at isang Rodel Mabolo sakay ng taxi (UWL-642) na minamaneho ni Jerome Canamo dakong alas-4:20 ng madaling-araw.

Subalit pagsapit nila sa Bathala St., sa Brgy. Toro ay biglang humarang ang riding-in-tandem, bumaba ang back rider at malapitang binaril sa mukha ang biktima.

Matapos ay mabilis na tumakas ang mgs suspek sakay ng kulay itim na walang plakang mortorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?