138

Feb 3, 2020 @ 18:57
By

Mas nakamamatay sa virus! DTI inulan ng reklamo sa overpriced face mask

Matapos mabalita na may namatay na sa bansa dahil sa novel coronavirus, lalong nag-agawa sa mga face mask sa Metro Manila at iba pang lugar.

Dinagsa ng mga reklamo sa social media ang Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa presyo ng face mask.

Tweet ni @ismilemac: “Are there any actions undertaken by your agency regarding the overpricing of surgical masks???? Some costs 500php per box. That’s 10 pesos per pc!”

Tweet naman ni @AngeloBurj: “Hello @DTIPhilippines mas nakakamatay pa po ‘yung presyo ng face mask kesa sa coronavirus.”

Sabi ng DTI, P45 hanggang P105 lamang dapat ang presyo ng N95 mask habang P1.10 hanggang P8 ang presyo ng disposable face mask base sa Memorandum No. 2020-0005 na inisyu ng Department of Health noong Enero 14, 2020.

Ayon sa DOH, ang price freeze ay para sa mga lugar na apektado lamang ng pagsabog ng bulkang Taal.

Hindi kasama sa price freeze ang lugar na hindi tinamaan tulad ng Aklan at Cebu, kung saan nagpunta ang dalawang Chinese na may dalang Wuhan virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?