857

By

Mas mataas posisyon niya! Konting respeto kay VP Leni – Agot kay Bato

Pinuna ng aktres na si Agot Isidro si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang naging pahayag nito tungkol sa pagiging bagong co-chair ng anti-drug committee.

Sa tweet ni Agot, sinabi nito na dapat respetuhin ni Dela Rosa si Robredo dahil kung tutuusin ay mas mataas pa rin ang posisyon nito kaysa sa kanya.

“Reminder Mr. Dela Rosa: VP > Senator. Konting respeto sa pananalita,” ayon kay Isidro.


Dati nang nagbigay ng advice si Dela Rosa na sinabihang huwag daw maghanap ng pondo si Robredo at gamitin lang kung anong meron.

“Kung ano meron dyan, gamitin mo na. Huwag ka na munang maghanap ng kung ano-ano pang iba pondo dyan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?