53

By

Mas magiging pisikal ang Game 2 – Jones

Inaasahan ni Terrence Jones ang mas pisikalang Game 2 sa Miyerkoles sa 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals sa pagitan ng TNT KaTropa at San Miguel Beer.

Ito ay tapos na balewalain ng do-it-all import ng KaTropa ang inilagay dito na halos lahat nA bantay ng San Miguel upang ipakita ang kakayahan nitong Linggo sa pagwawagi sa series opener, 109-96.

Nagtala ang dating NBA first round draftee na si Jones ng kabuuang 41 puntos at kinapos lang ng dalawang assist para sa ikaanim sanang triple-double niya sa torneo.

Kaya naman malaman na matikman ni Jones, 27, ang kakaibang depensa sa muling pagsasagupa ng dalawang koponan sa Game 2 sa Smart Araneta Coliseum.

“I’m used to it. You know, this is the championship so I’m definitely emotional as well,” sabi ni Jones, na pinagpalitan sa depensa nina Christian Standhardinger, Arwind Santos, Kelly Nabong at Chris Ross.

“I love to play the game, I love to win. So I’m here not to let anybody punk me,” hirit ng TNT import, na nakapaglaro ng apat na taon sa Houston Rockets.

Muntik masangkot muli si Jones sa kaguluhan tapos siyang tawagan ng foul kay Chris Ross. Gayunman, sinabi ni Jones na parte lamang iyun ng laro.

“I guess he (Ross) felt I was on him or something,” sabi ng dating University of Kentucky player. “I tried to help him up to let him know that it was not intentional, but he didn’t want my help. It’s the playoffs.”

“I am trying to stay calm and stay poised and make sure I stay in the game for my team,” wakas niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?