66

By

Mas magarang ospital kaysa St. Luke’s itatayo ni Mayor Isko

Pagagandahin umano ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Ospital ng Maynila, na mas aangat sa mga pribadong ospital sa Metro Manila.

“Basta ‘pag ang Ospital ng Maynila tinayo natin at hindi naging mas maganda kaysa sa Makati Medical Center at St. Luke’s, hindi papasa sa akin,” ani Moreno sa isang pahayag.

Paliwanag ng alkalde, hindi biro na magtayo ng ospital kaya itotodo na niya ito para sa hanggang huling hininga ng pasyente ay maginhawa ito.

“‘Yun ang goal natin, maiparamdam natin sa kaniya na hindi kailangan ang public hospital, public hospital din ang hitsura. Pwede siyang public hospital pero ang hitsura niya St. Luke’s,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?