158

Feb 26, 2020 @ 21:49
By

Mas engrande! 1 pang secret wedding, plano ni Matteo, Sarah

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na sa media si Matteo Guidicelli matapos ang kanilang kasalan ni Sarah Geronimo.

Sa panayam sa TV Patrol ni Matteo, sinabi nito na masaya siya sa piling ni Sarah at nagpapasalamat siya sa lahat ng nagko-congratulate sa kanilang dalawa.

“Okay naman. It’s the blessing of my life, of our lives. We are very happy. We are very thankful to the public, those in social media, for all the good wishes and all the congratulatory notes. Thank you from the bottom of our hearts. It means a lot,” saad ni Matteo.

Aniya pa, balaik din nilang magkaroon ng enggrandeng church wedding, at magiging secret ulit kung kailan ito,

Nang matanong naman kung nag-honeymoon na ba sila ni Sarah, ito ang kanyang tugon: “Busy pa sa work,” sey ni Matteo at natawa pa.

Siniguro naman ni Matteo na masaya sila ng kanyang misis sa kabila ng mga kontrobersiya na pumapalibot sa kanilang dalawa.

“To the people out there giving good vibes, we are all good. This is the happiest we’ve ever been. Thank you. We love you,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?