222
Marvin utang kay Rico Yan ang pagnenegosyo
By

Marvin utang kay Rico Yan ang pagnenegosyo

Kung negative ang dating ng mga post ni Claudine Barretto sa nakaraang birthday ng yumaong aktor na si Rico Yan noong March 14, natuwa naman ang maraming netizens sa pinost ng kaibigan ni Rico na si Marvin Agustin.

Kung nabubuhay si Rico, 44 years old na ito ngayon at malamang ay isang successful na actor at businessman tulad din ni Marvin.

Inamin ni Marvin na nagsimula siyang mangarap na maging isang businessman dahil kay Rico na noon pa ma’y mahilig na magtayo ng sariling negosyo. Heto ang post ni Marvin via Instagram:

“Happiest birthday my brother… hinding hindi ko makakalimutan ang mga saya at kalokohan natin. Lalo na ang friendship at kabutihan mo. Im sure mas nag-eenjoy ka dyan sa langit! Love you bro! #RY.

“Ako naman patuloy na nag-aartista at nagnenegosyo. Masaya ako sa mga narating namin, madami pa pangarap pero may saya at payapa na isip at puso.”

Naging close friends sina Marvin at Rico nang magsama sila sa teen-oriented series na Gimik noong 1996 hanggang 1999. Nagkasama rin sila sa sitcom na Whattamen noong 2001 at noontime show na MTB: Magandang Tanghali Bayan in 1998. Nagsama rin sila sa mga pelikulang Flames: The Movie at Gimik: The Reunion.

Pumanaw si Rico Yan noong March 29, 2002 sa edad na 27 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?