49

By

Marvin, mga aso ang isasabay para makadaan sa EDSA

Humirit sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang aktor na si Marvin Agustin hinggil sa driver-only ban ng ahensiya sa EDSA.

Sa kanyang Instagram post, tinanong ni Marvin ang MMDA kung maituturing bang kasama ang mga aso para hindi siya lumabag sa single ban scheme sa pagdaan sa EDSA.

Sa ipinoste nitong larawan, makikita ang umpukan ng mga aso sa likod ng kanyang sasakyan na nilagyan niya ng caption at naka-tag ang MMDA.

“In compliance with @MMDA single passenger policy… pwede ba yan???” tanong ni Marvin sa MMDA.

Pero simpleng “Hindi po” ang isinagot sa kanya ng ahensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?