531

By

Marvin Agustin tuwang-tuwa sa gay benefactor niya

NAKAKATUWA nu’ng ipinakilala na sa movie press ang buong cast ng bagong drama series ng GMA 7 na Kambal Karibal dahil ang daming nagbabalik na mga bigating artistang matagal na ring nami-miss na mapanood sa TV.

Balik-Kapuso si Carmina Villaroel, at natutuwa siya dahil feeling niya parang hindi naman daw siya nawala. Na-miss lang daw niya ang mga dati niyang nakatrabaho sa GMA 7.

Si Cong. Alfred Vargas na matagal din bago siya nakabalik sa pag-arte dahil nag-focus siya sa public service bilang Congressman ng district 5 ng Quezon City.

Excited si Alfred sa project na ito dahil gusto niya ang role at ang gaan pa raw ng mga kasama niya sa seryeng ito.

Si Marvin Agustin naman ay matagal ding nawala dahil nag-focus siya sa negosyo na kung saan meron na rin pala siyang Pinoy Restaurant sa San Francisco, California.

Bukod pa dun ay nag-aral si Marvin ng Filmmaking sa New York, dahil napagtanto raw niya na sa entertainment industry talaga siya, kaya gusto naman niyang subukan ang pagdidirek.

Kahit hindi ganu’n ka-active si Marvin sa showbiz, hindi pa rin nawawala ang mga intrigang ibinabato sa kanya. Natawa na lang siya sa isyung nali-link siya sa isang super-yaman at influential na gay benefactor.

“I love it! At may cash na papasok!” mabilis na sagot ng aktor.

Dagdag niyang pahayag, “I guess it’s something na hindi napapag-usapan kasi wala ako sa industriya. Alam mo naman ako si hari ng dedma. Kung hindi ganu’n kaimportante dedma na lang.

Hindi na rin naman daw siya apektado sa ganung intriga, at inaasahan niyang mas lalo pa siyang maintriga ngayong active na siya uli sa showbiz.

Sa November 27 sa GMA Primetime na magsisimula ang Kambal Karibal na pagbibidahan ng BiGuel loveteam na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?