162

By

Marvin Agustin kinamumuhian agad

Hindi pinalagpas ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng pinakabagong primetime series ng GMA na Kambal, Karibal na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, a.k.a. BiGuel.

Marami ang humanga dahil first episode pa lang ay mukhang marami na talagang kaabang-abang na eksena dito.

Unang nabighani ang mga ito sa mga eksena ng veteran stars na sina Carmina Villaroel at Alfred Vargas na silang gumaganap bilang Geraldine at Allan. Mukhang marami naman ang nasuklam sa pagpapakita agad ng kasalbahihan ng karakter ni Marvin Agustin as Allan na siyang nagbabalak ng masama para muling makuha ang ex-girlfriend niyang si Geraldine.

Idagdag mo pa ang pangpi-flirt ni Nida (Katrina Halili) na talagang nakakagigil. Grabe, pasabog agad agad, huh! Congratulations, GMA, para sa kakaibang konsepto na ito sa telebisyon!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?