375
Martin papasiklab sa FIBA World Cup
By

Martin papasiklab sa FIBA World Cup

Muling nagpahayag ng masidhing pagnanais na makapagsuot ng Pilipinas jersey ang 20-year-old Arizona State University guard na si Remy Martin para sa 2019 FIBA World Cup sa Agosto.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-post ng player sa kanyang Instagram account ng katawan na nakasuot ng jacket na may disenyo ng watawat ng bansa.

“Ready whenever,” saad ng proud Pinoy sa kanyang caption karugtong ng isang Philippine flag at telephone emoji.

Matatandaang pinangalananan na si Martin noong nakaraang taon ni former National Team coach Chot Reyes bilang parte ng ’23 for 23’ pool para sa FIBA Basketball World Cup na iho-host ng bansa sa 2023.

Sa kasalukuyan may impresibong average ang 6-foot court general na 13.5 points, 5.2 rebounds at 3.2 assists per game sa US NCAA.

“I’ve seen him on YouTube and saw glimpses in the US NCAA, and to me he looks good. But you cannot decide on taking in a player based on YouTube videos. We want to invite him here and see how he can blend in with the team,” saad ni Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?