342
Mark, gumunaw ang mundo kay Winwyn
Mar 26, 2019 @ 18:13
By

Mark, gumunaw ang mundo kay Winwyn

Hindi muna target ni Mark Herras na magkaroon ng bagong relasyon matapos magwakas ang tatlong taon na pag-iibigan nila ni Winwyn Marquez.

Aniya, hindi pa siyang handang pumasok sa bagong relasyon at plano niya ay magtuon muna sa kanyang sarili at kanyang career.

Inamin ni Mark na dumating sa puntong hindi na healthy ‘yung relationship nila ni Winwyn pero maayos naman umano silang naghiwalay at walang involve na babae.

Masasabi rin niyang isa ang paghihiwalay nila ni Winwyn sa nagpagunaw sa mundo niya.

“I think this is one of my relationships na talagang almost halos gumunaw na rin ‘yung mundo ko,” ani Mark.

Isa rin umano si Winwyn sa mga nakarelasyon niyang hindi niya malilimutan.

Kabilang si Mark sa bagong hapon-serye ng GMA-7 na “Bihag” kasama sina Max Collins, Jason Abalos, Sophie Albert, Raphael Landicho at Neil Ryan Sese.

Ipalalabas ito sa April 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?