120

By

Mark Bautista iwas sa isyu kay Carlos Yulo

Pamba-bash ang natanggap ni Mark Bautista matapos i-tweet ng gymnast prodigy na si Carlos Yulo na nag-DM at nag-follow sa kanya ang sikat na singer.

Dahil dito ay inisyu siya ng mga netizen na bet nito ang PH athlete, na hindi naman malayo dahil openly bisexual si Mark at pogi rin naman si Yulo.

Dinepensa naman ni ulo si Mark, sinabi na walang ibig sabihin ang mensahe ni Mark at baka na-excite lang.

“It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement. Kindness, message of encouragement and appreciation [are] not signs of flirting. Let’s focus on #SeaGames2019 and winning as one,” saad sa tweet ni Yulo.

Sa ‘Dollywood’ piece naman ni Dolly Anne Carvajal sa Inquirer, humiling ito sa singer na magbigay ng komento, ngunit mas minabuting manahimk na lang.

“Huwag na lang, baka ’di na matapos ang issue. Sorry, for now, pass muna ako Ms Dolly. But thank you so much for always being there. Really appreciate it,” saad ni Mark ayon sa column ni Carvajal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?