450

By

Maris Racal nagtaray sa netizens na pumuna sa grammar niya

Sharing is caring!

Hindi nakaligtas sa paningin ng netizens ang maling grammar ni dating “Pinoy Big Brother” housemate Maris Racal sa kanyang Instagram caption.

Agad naman itong sinagot ni Racal.

“What if mali talaga ang na post mo no? Siguro doble pa makukuha mong hate comments. Kailangan perfect ka talaga no pag nasa Pilipinas ka,” sabi ni Racal sa tweet kung saan isinama niya ang screenshots ng comments sa kanyang Instagram post na may caption na: “Can’t not shop at Penshoppe.”

Sa isang screenshots makikita ang comment ng netizen na, “A double negative is the nonstandard usage of two negatives used in the same sentence so that they cancel each other and create a positive. In Shakespeare’s day, double negatives were considered emphatic, but today they are considered grammar mistakes.”

Makikita pa sa isang comment na, “Can’t na nga, may not pa ‘yung totoo? Hahaha just saying.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?