20,296

Apr 2, 2020 @ 11:45
By

Maris Racal nagpositibo, sukang-suka

Kinumpirma ni Maris Racal na nagpositibo siya.

Hindi sa COVID-19, kundi sa pagiging “sukang-suka na sa gobyerno.”

Ayon din sa actress-singer kagabi, nahigitan na ang bilang ng mga mabubuting tao sa mundo.

Hindi niya tinukoy kung sino ang pinatatamaan niya sa pahayag.

“positive na sukang suka na sa government. good people are outnumbered,” tweet ni Maris sa unang araw ng Abril.

Maraming sumang-ayon ngunit marami ring fan na kinontra siya.

Sabi pa ng ilan, dapat nagbanggit si Maris ng pangalan, habang pinagti-TikTok na lang siya ng iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?