302

By

Marion Aunor, composer at producer ng single ni Xian Lim

Tuloy-tuloy ang prolific singer/songwriter na si Marion Aunor sa paglikha ng mga awitin.

Ang latest na ginawan niya ng kanta ay ang Viva artist na si Xian Lim.

Inusisa namin si Marion ukol sa kantang ginawa niya para kay Xian na sa August 17 na ang launching at magiging available na sa mga digital store.

Pahayag ni Marion, “Ang title po ng song ay ‘Heto Na’ and it’s about finding love after giving up on love.

“So, parang gigisingin na niya ulit ‘yung puso niya dahil nahanap na niya ‘yung tamang person na para sa kanya.”

Paano nabuo iyong song and ano ang naisip mo at naging inspirasyon sa pag-compose nito?

“Kinausap ko po si Xian kung about what po ‘yung gusto niyang sulatin kong song.
Then, nagkuwentuhan po kami and after some time, nasulat ko na po yung song.”

Gaano katagal mo sinulat iyong kanta?

Tugon niya, “Basta binabalik-balikan ko lang po ‘yung song for ilang days. Ganoon naman po usually iyong process ko sa paggawa ng song.”

This time hindi ka lang songwriter, producer pa, ano ba ang ginagawa or responsibility ng producer?

Pahayag ni Marion, “As producer po, kinakausap ko po yung aming arranger na si Arnold Buena sa kung anong peg ng song and kung may babaguhin pa po sa areglo.

“Then, nagko-consult din po ako siyempre kay Sir Civ (Fontanilla, A & R ng Viva Records). Tapos sa actual recording po, ako yung nag-supervise ng vocals ni Xian. Then papakinggan ko rin po yung final mix na may vocals na po.”

Ano ang masasabi mo kay Xian?

“Very talented po si Xian and very down to earth during the whole process,” nakangiting pakli pa ni Marion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?