31

By

Marinero sisisid sa Aspirant’s Cup

Korona ang target ng Marinerong Pilipino para sa PBA D-League Aspirant’s Cup na sisimulan sa darating na Pebrero 13.

“We’re a better team now (compared to the Foundation Cup last year). The players and the coaches have learned our lessons and know what to do now to finally win the title,” pahayag ni assistant coach Jonathan Banal sa 52nd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na ginanap sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Ibinahagi ni Banal, na humalili kay head coach Yong Garcia, na doble kayod ang Skippers para sa sagupaan ng 12-team tournament.

“Sa tingin ko, mas handa, mas malakas ang team namin ngayon kumpara last year,” paliwanag ni Banal na kasama sina 6-foot-10 Fil-Australian recruit James Laput at former UCBL MVP Jayboy Solis sa weekly public service program handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association.

“Talagang puspusan ang paghahanda namin ngayon, lalo na puro mga school-based teams na matagal nang magkakasama, ang makakalaban namin ngayon. Iba iyung challenge para sa team ngayon,” dagdag pa ni Banal na naglaro para sa Mapua sa NCAA at Wang’s Ballclub sa PBA D-League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?