157

By

Mariel tinuruan ang anak ng Muslim song

Hinahangaan sa social media hindi lang ang anak ni Robin Padilla na si Maria Isabela, kundi ang asawa nito at ina ng kanyang dalawang anak na si Mariel Padilla.

Naka-post sa Instagram wall ni Robin ang short video ni Isabela na kumakanta ng Muslim song.

Sa caption ng post, sinabi Robin na si Mariel ang nagturo sa kanilang anak ng awitin, at kahit pa ang misis niya ay isang Katoliko.

@robinhoodpadilla, “Her Mom taught the kalimah song and my wife is Catholic.”

Lumalabas sa mensahe ni Robin ang malaking pagpapahalaga ni Mariel sa Muslim culture & arts kahit isa siyang Katoliko.

View this post on Instagram

Her mom taught her the kalimah song and my wife is Catholic

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Kungsabagay, sa panayam namin noon kay Mariel, sinabi nitong mula nang maging mag-asawa sila ni Robin, hindi na siya kumain at kumakain pa ng baboy, na bawal na bawal sa tradisyon ng mga Muslim.

Mapapanood sa video na tuwang-tuwa pa ang batang si Isabela sa pagkanta niya ng Kalimah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?