386

By

Marian nag-sorry sa comment sa trapik

Humingi ng paumanhin si Kapuso actress Marian Rivera sa mga nasaktan at nainis sa naging pahayag niya tungkol sa trapik at kung paanong makakaiwas ma-stress sa gitna nito.

“Traffic? Parang matagal nang may traffic. Wala nang dahilan para ikonsumi mo sarili mo sa traffic. Kung may lakad ka, e ‘di pumunta ka ahead of time para ‘di ka matrapik,” saad niya sa isang interview.

“Sa sasakyan, ‘pag traffic, andaming puwedeng gawin. Mag-cellphone ka, magsulat ka. E ‘di iyon ‘yung ‘me’ time mo sa sarili mo, ‘di ba? So andaming puwedeng gawin mo ‘pag traffic,” payo niya pa.

Ang pahayag niyang ito ang kinabuwisit ng mga commuter sa Twitter kung saan tinawag ang aktres na ignorante sa iba na wala namang pribadong sasakyan.

Depensa ni Marian sa kanyang Instagram account nitong Lunes, personal umano niyang pamamaraan ang kanyang sinabi at na-misinterpret lang.

“Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview — kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip — ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin — at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted,” paglilinaw ni Marian.

“Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag… Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philstar.com sa kanilang headline at sa hindi pag-edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context,” dagdag pa niya.

“Pinaninindigan ko po ang aking sagot and I take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang — hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami,” saad pa niya.

Sa huli “peace” ang hiling niya sa marami at kinikilala aniya niya ang pinagdaraanang kalbaryo ng mga Pilipino dahil sa trapik

“Kinikilala ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay — wala pong may gusto nito. Peace everyone.”

View this post on Instagram

Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview —kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip— ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin— at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted. . . Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag. . . Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philstar.com sa kanilang headline at sa hindi pag edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context. . . Pinaninindigan ko po ang aking sagot and i take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang— hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami. . . Kinikilala ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay— wala pong may gusto nito. . . Peace everyone ❤️ . . Hindi po ako super rich, gaya ng sabi ng Philstar.com Maykaya, opo, dahil pinaghirapan ko po yun.

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?