11,212

By

‘Marcos, layas!’ Anak ni Marcos kinuyog ng mga taga-UP

Nadismaya ang ilang mag-aaral at nanawagan ng “Never again to martial law!” sa isang dula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman na dinaluhan ng anak ng dating diktador at Pangulong Ferdinand Marcos na si Irene Marcos-Araneta, Setyembre 6.

Mabilis ang pagkundena ng mga taga-UP sa pagpunta sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater, Palma Hall ni Marcos-Araneta bilang isa sa mga pangunahing sponsor ng “La Casa de Bernalda Alba,” pambukas na pagtatanghal ng ika-44 Theatre Season ng Dulaang UP.


Naganap ito ngayong Setyembre, ang buwan ng pagdeklara ni Marcos ng batas militar noong 1972 na nagdulot ng pagkamatay at pagkawala ng ilang libong mga taga-UP at iba pang estudyanteng aktibista.

Noong Nobyemre 2018, unang nakapasok ang kapatid ni Irene na si Senadora Imee Marcos sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman para sa kaarawan ng dating Quezon City councilor Bong Suntay.

Matatandaang nagpunta rin si Marcos-Araneta sa Ateneo de Manila University (ADMU) noong Abril para sa pagbubukas ng Ateneo Areté Ampitheater, na siyang kinundena ng mga Atenista.

Nagresulta ito sa pagbaba sa pwesto ng noo’y Areté executive director.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?