82

By

Marck Espejo lalayasan ang Eagles, lilipad sa Japan

SARIWA pa mula sa graduation ceremony sa Ateneo nitong Sabado, dadalhin nang binansagang “King Eagle” na si Marck Espejo ang talento sa Japan nang tapikin bilang foreign reinforcement ng Oita Miyoshi Weisse Adler team o “White Eagle”, isang top-tier volleyball team sa Japan.

Magpapakitang-gilas ang 5-time UAAP MVP na si Espejo sa Japan V1 League na magsisimula sa Setyembre 2018 hanggang Mayo ng susunod na taon.

Kasalukuyang naglalaro ang 21-anyos na si Espejo para sa Cignal HD sa Premier Volleyball League at ipinangakong tatapusin muna ang responsilidad sa koponan bago tumulak sa Japan.

Matunog na ang pagsalang ni Espejo sa Japan bago pa man matapos ang UAAP men’s volleyball Finals kung saan ipinatikim na ni Ateneo coach Oliver Almadro ang balitang may nais kumuha sa kanyang bata sa ibang bansa.

“At the end of the month, they really want a big press conference. I’m sure everybody will be there. It’s a huge team in Japan,” litanya ni Almadro sa panayam.

Parang hindi nahiwalay sa Ateneo si Espejo na magsusuot pa rin ng asul at puting uniporme habang binabandera ang numerong 15 na kanya ring ginamit sa Blue Eagles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?