151

Feb 19, 2020 @ 21:09
By

Marcelito Pomoy walang nauwing papremyo sa AGT

Wala palang nakuhang cash prize si Marcelito Pomoy bilang third runner-up ng “America’s Got Talent: The Champions”.

Ito ang ini-reveal niya sa nakaraang interview niya with MJ Felipe ng ABS-CBN.

“Wala talagang premyo ‘yan,” he said. “Champion lang talaga (ang may cash prize).”

Aniya ay okay lang naman daw ito sa kanya.

“Kung anuman ang binigay ng Diyos sa akin, okay lang, tanggap ko naman,” aniya.

Nagpapasalamat nga raw siya dahil because of “AGT: The Champions” ay napakarami niyang inquiries na natanggap para mag-show at ngayon nga raw ay kabi-kabila na ang schedules niya for international shows.

“Kagagaling lang namin ng Singapore, nag-Japan, Indonesia, after nito, Canada, after Canada, Australia. After Australia, US na, Hawaii,” sey pa niya.

Bagama’t nanghinayang siya na hindi siya nag-champion, malaking bagay na rin daw na nakilala siya all over the world.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?