371

By

Marcelito Pomoy nagpa-wow sa ‘America’s Got Talent’

Pinabilib ni Marcelito Pomoy ang mga judge sa America’s Got Talent (AGT) – The Champions.

Napa-standing ovation sa kanya sina Simon Cowell at Heidi Klum matapos ipakita ang kanyang husay sa pagdu-dual voice sa pagkanta sa “The Prayer”.

Binahagi ni Gary Valenciano ang clip ng makatindig-balahibong performance ni Marcelito.

“I was brought to tears because of this. Allow me to share this beautiful clip with all of you. Mabuhay ka @marcelitopomoy8. God bless you more!!!!!” tweet ni Gary V.

Nag-trending sa Twitter si Marcelito nitong January 14 dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?