45

Mar 21, 2020 @ 18:44
By

Maraño naghahanda na sa mga zombie

Umaayon sa panahon si F2 Logistic Cargo Movers star Aby Maraño matapos mag-post ng kanyang litrato sa kanyang Instagram account.

Tila peg kasi nito ang Netflix series na ‘Kingdom’ kung saan katulad sa nasabing Korean serye ang kanyang kinatatayuan.

Sa nabing litrato rin ay makikitang pak na pak ang volleybelle at keber na keber nitong rumampa sa suot niyang boots.

Sa caption naman ito ay hinalimbawa rin niya ang kaganapan pandemic na sakit sa buong mundo na coronavirus o COVID-19 kaya nagmistulang ready na ito sa posibleng ‘Zombie Apocalyse’.

“When the mysterious plague begins to spread and there’s a zombie coming your way – the Kingdom,” sey ni @abymarano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?