472

Apr 3, 2020 @ 8:30
By

Maraming Pinoy, nagsisi na binoto si Duterte – Adrian Alandy

Kung ang aktor na si Adrian Alandy ang tatanungin, dama nito na ang pulso ng tao ngayon ay kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Adrian, na dating nakilalang Luis Alandy, marami umanong mga Pilipino ang nagsisisi na si Duterte ang binoto na Presidente.

Kasunod ito ng naging pahayag ng Pangulo na kanya umanong ipapabaril ang mga leftist na manggugulo ngayong enhanced community quarantine.

Marami naman ang nang-bash kay Adrian, sinabi na paano daw nito nalaman ang nasa isip ng ibang Pinoy gayong hindi naman daw ito nagpa-survey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?