95

By

Maraming masaya ‘pag kampeon ang Ginebra – Caguioa

Ito ang sinabi ni long-time Barangay Ginebra San Miguel player Mark Caguioa sa muling nakamit niyang kampeonato sa 44th PBA Governors Cup 2019-2020 na natapos noong January 17 sa Mall Asia Arena sa Pasay City.

@officialMC47: “Ibang feeling ‘pag nag-cha-champion tayo. Parang buong Pilipinas ang saya. This is for you #6thman #NSD elle.hudson.”

Marami naman sa mga fan partikular na sa mga ka-#GinebraNation ang sumang-ayon sa opinyon ng PBA veteran.

“Exactly…talk of the town talaga…thats what makes Ginebra so special…the hype, the fans…its unique…Ginebra lang ang team na lahat ng player ay kilala…including the bench players, even the reserves,” ani @CromwellJong.

Dagdag ni @JZzeeer: “True saka iba feeling sa work… so inspired hahaa..”

“Talk of the town pag Peoples Champ NSD! More championships to Come Mark,” hirit ni @notsosexyRhedgz:

Sabi naman ni @PWETMAL26926974: “Congrats mc47 at sa milion2 fans na napapasya sa tuwing nag –cha-champion ang Ginebra…”

Ang titulo ang ikawalo ni “The Spark” sa kanyang PBA career.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?