24

By

Marami nang sabit! Duterte walang bagong pwesto para kay Faeldon

Bagama’t tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay ex-Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon, hindi pa rin ito sapat para mabigyan ang sinibak na opisyal ng bagong pwesto.

Ayon sa panayam ni Duterte sa GMA News, malabo pang mapasama muli sa administrasyon si Faeldon dahil sa dami ng kontrobersiya na bumbalot dito.

“No, I don’t think so. He has had enough of controversies in the last few years. But I still believe… I do not believe that he is dishonest,” ayon sa Pangulo.

Matatandaan na nasangkot si Faeldon sa pagpapalaya ng mga heinous crime offender sa ilalim ng good conduct time allowance law.

Si Faeldon din ang commissioner ng Bureau of Customs nang lumusot ang P6.4B shabu sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?