1,923

By

Mapapahiya ka lang! Trillanes ‘di natatakot sa bantang papaimbestigahan ang kanyang ina ni Duterte

Hindi kinakabahan si Senador Antonio Trillanes IV sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipa-subpoena ang kanyang ina.

“Just do it,” ayon kay Trillanes, na mahigpit na kritiko ni Duterte.

Matagal na umanong binabantaan ng Pangulo ang kanyang ina na uusigin ito sa mga transkasiyon na ginawa noong nasa Philippine Navy pa ito.

“Since September last year, Duterte has been saying that he asked different agencies to investigate the supposed anomalous transactions of my mother. But up to now, he has yet to show even a shred of evidence to prove his baseless allegations,” ayon sa inilabas na pahayag ng mambabatas.

Matatandaan na sinabi ni Duterte sa kanyang speech noong Martes na kanyang papaimbestigahan ang nanay ni Trillanes na si Estrelita kaugnay ng mga kontratang nasagawa nito.

“Iyong nanay niya contract-contract. We will initiate an investigation kagaya mo and I will subpoena your mother sa ayaw mo’t sa hindi. Baka sabihin mong walang power ano –there is. We also have the contempt power but we have to go to court,” anang Pangulo.

Magiging isa na naman ito sa nakakahiyang eksena kay Duterte katulad ng mga Singapore bank account na isinisi ng Pangulo kay Trillanes.

“Now, Duterte is threatening to subpoena my mother. Just do it and let it be another humiliating episode for you like the fake offshore bank accounts you alleged against me,” ani ng senador.

“Mahirap dito kay Duterte hindi lang ako kaya, kaya ang nanay kong may sakit ang pinagdidiskitahan. Sige lang, do your worst while I count the days…” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?