52

Jan 13, 2020 @ 21:56
By

Mapagsamantalang negosyante pinagsabihan, binalaan ng Malacañang

Pinaalalahanan ng Malacañang ang mga negosyante na huwag magsamantala sa panahong nakakaranas ng krisis at kalamidad ang mga mamamayan.

Inihayag ito ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kasunod ng mga report na nag-overpriced ang maraming negosyante sa mga ibinebentang gas at face mask matapos pumutok ang Bulkang Taal noong Linggo ng hapon.

Sinabi ni Andanar na dapat sundin ng mga negosyante ang suggested retail price dahil kapag nahuli ang mga ito ay ipapataw ang parusa laban sa mga ito.

Kasama rin aniya sa dapat manatili ang presyo batay sa SRP ay ang mga pangunahing bilihin at huwag magtatangkang magsamantala sa presyo ng kanilang mga paninda.

Matapos pumutok ang Bulkang Taal, muling binuhay ng PCOO ang Laging Handa operations para mabigyan ang publiko ng update at mga ginagawa ng gobyerno sa pagtulong at pag-alalay ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga biktimang naapektuhan sa pamamagitan ng mga pasilidad ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?