61

Jan 10, 2020 @ 15:55
By

Mapa na mala-Overwatch, ginaya sa Maynila

Pinakita ng isang Pinoy ang kanyang talent sa pagdisenyo na kanyang hinalo sa hobby na paglalaro ng first person shooting game na Overwatch.

Sa Youtube channel na Shua Llorente, ibinahagi ang gawa ng University of Santo Tomas student na si Joshua Llorente na mapa sa Overwatch na hango sa capital city ng Pilipinas, ang Maynila.

Makikita sa mapa ang ilang tila pamilya na establisimiyento tulad ng VDO (BDO), Hotel Zogo (Hotel Sogo) at Jullybee (Jollibee).

Ginawa ang mapa sa Unreal Engine 4, na sakto sa layout ng Overwatch map.


Nabilib naman ang ilang tumatangkilik sa Overwatch dahil sa galing ng Pinoy.

“I cannot believe you don’t get hired from Blizzard yet, you are an amazing artist!!!” ayon kay Nathaniel Santos Silva.

“This map looks absolutely fantastic! Hope we see more beautiful maps like this in the actual game!” saad naman ni Master Ian Gamer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?