41

By

Manzo, UP sinakluban ang UE

Winakasan ni Jun Manzo ang ikalawang sunod na talo ng UP Fighting Maroons matapos pabagsakin ang UE Red Warriors, 78-75, sa main game ng 82nd Season ng UAAP men’s basketball sa MOA Arena.

Nagpasabog ng season-best 17 points at 5 assists ang UP guard na si Manzo para ibigay sa Fighting Maroons ang 6-3 kartada.

Tumulong si reigning MVP Bright Akhuetie ng 18 points at 14 boards habang kumana naman ng season-high 10 points si Ricci Rivero para pabagsakin ang Red Warrios sa ikalawang sunod na talo tangan ang 3-7 panalo-talo record.

Tumapos rin ng double-figures si Kobe Paras at Javi Gomez de Liano na may 14 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Kumayod ng 28 points at 20 rebounds si Alex Diakhite para sa Red Warriors, pero kapos ito kontra Maroons.

Sa unang salpukan, tinuldukan ng Adamson University (AdU) Soaring Falcons ang apat na sunod na pagkatisod sa bisa ng 72-53 panalo kontra National University (NU) Bulldogs.

Angat sa 4-6 win-loss record ang Adamson ni coach Franz Pumaren, na nakakuha ng 14 puntos kay AP Manlapaz na nag-init sa final canto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?