314

By

Manyak sa Facebook, nakorner sa Angeles

Hindi na pinalusot pa ng isang bebot ang ginagawang panggagahasa sa kanyang ng isang lalaking nakilala lamang sa social media at naging panandaliang karelasyon sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Balibago, Angeles City.

Batay sa report na isinumite ni PSSupt. Christopher Abrahano, hepe ng RFU-Region 3, nag-report sa tanggapan ng CIDG ang isang biktima na itinatago sa pangalang ‘Babes’ dahil umano sa pananakot sa kanya at pangingikil ng suspek na nakilala lamang sa Facebook.

Agad na isinagawa ang entrapment operation laban sa suspek na si Arturo De Guzman y Diaz, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Balibago, Angeles City sa kasong alleged sextortion at grave threats, bandang alas-6:45 Martes ng gabi.

Kasama sa entrapment operation ang mga tauhan ng SWAT ACPO at PS-4 ACPO at ikinasa ang pakikipagkita ni “Babes” sa suspek na umano’y nakilala niya dalawang buwan pa lamang sa FB at doon na nagsimula ang kanilang intimate relationship

Nabatid na tinatakot ang biktima na hinihingian ng pera kapalit na hindi nito ilalabas ang kanilang umano’y sex video at mga malalaswang larawan na magkasama sila kasabay ng pagpapadala ng hindi magagandang messages sa mga kaibigan ng biktima.

Umayaw na umano ang biktima sa pakikipagrelasyon sa suspek dahil takot na lamang ang kanyang nararamdaman na inakala niyang magmamahal sa kanya.

Dahil sa takot at pangamba sa buhay ay minabuting makipag-ugnayan na lamang ang biktima sa CIDG para matapos na umano ang pangingikil at pambababoy sa kanya ng suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Angeles detention cell at nahaharap sa kasong alleged sextortion at grave threats.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?