127

By

Manyak na prof, kinastigo ng Ateneo

Siniguro ng Ateneo de Manila University na kanila nang pinarusahan ang mga nasangkot sa umano’y pangmomolesiya ng isang propesor sa isang estudyante.

Ayon sa statement na nilabas ng Ateneo, kanilang kinokondena ang kahit na anong uri ng panghahalay sa kanilang komunidad.

“The Ateneo de Manila University does not tolerate or condone sexual harassment by any member of its community,” ayon sa statement.

“Measures are in place to ensure the protection of our students and employees from any form of sexual harassment, at the same time guarantee that due process is followed, all parties are heard, and justice is served,” saa pa.

Matatandaan na nag-trending ang isang post ng Ateneo student tungkol sa propesor na nakakuha lamang umano ng 15-day suspension makalipas ang anim na buwang imbestigasyon.

Saad naman ng Ateneo administration na hindi nila pwedeng ilabas ang mga impormasyon tungkol sa mga sangkot sa insidente bilang pagsunod sa Data Privacy Act at Safe Spaces Act.

“We assure the Ateneo community and the public that we are taking every step possible to ensure that students and employees are safe from sexual harassment. We are committed to improving our systems and working together with all our stakeholders in building a safer and more gender-sensitive Ateneo,” saad sa statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?