11,805

By

Manyak, bastos na clothing line! Palusot ng KNPP, binanatan ng mga netizen

Hindi nagustuhan ng madla sa social media ang pagdepensa ng ‘Kain Pepe’ clothing line sa pangalan ng kanilang brand, na ayon sa kanila ay ang ibig sabihin ay ‘eat properly’.

Sa Facebook post ng KNPP clothing lines, hinalintulad nila ang ‘pepe’ sa isang batang lalaki, at nais lamang raw umano nila na himukin ang mga ito na kumain nang maayos.

Saad pa, marami na raw kasi ang hindi nakakakain ng maayos na kabataan dahil sa paggamit ng mga gadget at social media.

Nilinaw din nila na hindi nila umano intensyon ang bastusin ang kababaihan.

Ngunit hindi ito kinagat ng mga netizen, sinabi na halata naman sa mga design sa t-shirt nila na kanilang minamanyak ang kababaihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?