44

By

Manuel kayod lang maski itatapon na

‘Di nagpaapekto sa kumakalat na trade rumors si Vic Manuel, tuloy lang ang kayod niya sa Alaska.

Nambarako ang 32-anyos na forward ng 23 points at 10 rebounds para itulak ang Aces sa 106-99 win laban sa NorthPort nitong Linggo.

Kinolekta ng Alaska ang pangatlong panalo sa siyam na laro – pangatlo rin sa huling apat – para paypayan ang tsansang humabol sa playoffs ng PBA Governors Cup.

Unang back-to-back wins din ‘yun ng Aces sa ilalim ni coach Jeff Cariaso na pumalit kay Alex Compton nitong August.

Maangas sa magkabilang dulo ng court ang 6-foot-4 forward mula Nueva Ecija, siya rin ang umangkla sa depensa kay Christian Standhardinger.

Nakipagpatibayan ng braso ang Muscleman, aniya ay malaking bagay sa panalo na napigil ang 6-8 Fil-German bagama’t tumapos pa rin ng 37 points, 16 rebounds at 5 assists.

“Ang hirap kalaban, ang galing ni Christian tapos malaki pa. Medyo na-limit na nga namin siya sa 30 points,” bulalas ni Manuel, pati siya ay natawa sa sinabi.

Sa sipag na pinakita, ginawad kay Manuel ang PBA Press Corps-Cignal Player of the Week award sa Oct. 28-Nov. 3.

Naungusan niya ang kakamping si Abu Tratter na nagsumite ng 17 points, 9 rebounds kontra Batang Pier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?