66

By

Manila Water humingi ng paumanhin sa biglaang water service interruption

Humingi ng paumanhin ang Manila Water sa idinulot na inconvenience ng hindi inaasahang water service interruption nila sa ilang lugar sa Metro Manila mula Marso 7 ng gabi hanggang Marso 8 ng umaga.

“We sincerely apologize for the inconvenience brought by the unexpected water service interruption experienced by our customers across the East Zone,” saad ng pamunuan sa kanilang tweet.

Nauna nang inanunsiyo ng Manila Water na mag-a-adjust sila sa kanilang operasyon dahil bumababa ang antas ng tubig sa La Mesa Dam.

Samantala, nanawagan naman ito sa publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig dahil sa mahinang El Niño na nararanasan sa bansa.

Nag-post naman ang Manila Water ng abiso sa mga maaapektuhang lugar sa gagawin nilang operational adjustments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?