118
Manila Water gigisahin ng Senado sa water shortage
By

Manila Water gigisahin ng Senado sa water shortage

Ipinatawag na ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe ang mga opisyal ng Manila Water para sa imbestigasyon ng nangyayaring kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ang Manila Water Co., ang siyang nagsusuplay ng tubig sa silangang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Ani Poe, marami umanong dapat na ipaliwanag ang water concessionaire dahil sa wala umanong abiso.

“Malaki ang dapat ieksplika ng Manila Water dito sa krisis na ito. Three weeks ago, walang abiso at hindi ramdam na magkukulang ang tubig. Tapos bigla na lang magigising ka na wala na? Tama ba naman ‘yon?” ani Poe.

Ipinagtataka rin ng senadora kung bakit dumadanas ng water shortage sa kabila na nasa normal level pa umano ang Angat Dam, na pinagkukunan ng 90% ng tubig ng National Capital Region.

“May tubig pa ang Angat Dam kaya nga ang western part na sineserbisyuhan ng Maynilad ay may tubig pa. Ang problema ‘yung conveyance kung saan dadaloy ang tubig,” dagdag pa ng mambabatas.

“Alam naman natin pagdating ng Marso, may El Niño man o wala, talagang madalang ang ulan… Hindi ba nila naisip na dadami ang tao? Andiyan naman ang tubig eh. ‘Yun ay imprastraktura na pananagutan ng Manila Water. ‘Yun siguro ang ating iimbestigahan at tatanungin,” saad pa niya.

Malacañang duda sa water shortage ng Manila Water

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?