393

Mar 13, 2020 @ 10:43
By

Manila, Metro Manila magkaiba

May malaking pagkakaiba ang Maynila sa tinatawag na Metro Manila.

Naglabas ng explainer ang grupong Earth Shaker PH dahil aniya sa kalituhan ng ibang netizen sa inanunsiyo kamakailan na kanselasyon ng mga klase sa Metro Manila.

Ang Manila City ang kabisera ng Pilipinas, at isa lamang sa mga lungsod sa Metro Manila.

Ang Metropolitan Manila o Metro Manila ay tinatawag din bilang National Capital Region (NCR) at isang rehiyon na binubuo ng 16 lungsod at isang munisipalidad.

Kabilang sa Metro Manila ang mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, at Valenzuela, at ang munisipalidad ng Pateros.

“When there are Metro Manila-wide declarations, all of the 16 cities and 1 municipality are already covered. When Manila Mayor Isko Moreno announces declarations for Manila, it only covers the city of Manila itself,” paliwanag pa ng Earth Shaker.

Kagabi, Marso 12, dineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na naka-lockdown o hindi pwedeng puntahan o umalis galing Metro Manila mula Marso 15 hanggang Abril 14, 2020.

Bilang pagkontrol ito sa paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?