139
immigration ph
Sep 25, 2019 @ 13:16
By

Manila ‘drug queen’ nakalusot, labas na sa PH – BI

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkoles ng hapon na nakalabas na ng bansa ang binansagan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ‘drug queen’ sa Maynila.

“As per travel records, she indeed recently left the country, but with no derogatory records, hence she was allowed to depart,” paliwanag ng tagapagsalita ng BI na si Dana Sandova ayon sa ulat ng Philippine Star.

Ang tinutukoy ay ang diumano’y high-profile drug personality na si Guia Gomez Castro. Siya umano ang bumibili ng mga nireresiklong droga ng “ninja cops.”

Ito ang tawag sa mga pulis na nilantad sa mga pagdinig sa Senado na nagreresiklo ng mga nakukumpiskang droga, tapos binebenta muli ito sa merkado.

Itong ninja cops ang prumoprotekta naman kay Castro laban sa mga awtoridad, ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino noong nakaraang linggo sa ulat ng GMA News.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?