159

By

Manila Clasico safe kay Thompson, Jalalon

Bagong henerasyon ng mga manlalaro ang magpapatuloy ng classic rivalry ng Ginebra at Purefoods franchise.

Sa naging salpukan ng dalawang koponan, dalawang atleta ang bumida, si Scottie Thompson para sa Ginebra, at Jio Jalalon sa Magnolia.

Maraming highlights ang pinakawalan ni Thompson, mula sa mga kalawit rebound maging sa pag-block sa sentrong si Rafi Reavis.

Si Jio naman, nagbuslo ng dalawang magkadikit na tres dahilan para mapatungtong ng overtime ang laban.

Kaya naman napakomento ang San Migurl guard na si Chris Ross dahil sa husay ng dalawa, na tila bagong magbabandera ng historic rivalry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?