38
Mang Inasal nilooban! P155,000 cash natangay
By

Mang Inasal nilooban! P155,000 cash natangay

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Mandaluyong Police kaugnay sa panloloob sa isang sangay ng Mang Inasal sa Barangay Hagdang Bato Libis, Mandaluyong City, Martes ng gabi.

Nakita sa CCTV footages na pinasok at winasak ang vault nito at natangay ang nasa P155,510 cash na isang araw na kita ng establisyimento.

Batay sa Eastern Police District, target nila ang limang hindi pa nakikilalang suspek na nakita sa CCTV.

Nakita rin sa labas ng store ang isang taxi na may body no. UWG578 na posibleng ginawang getaway vehicle ng mga salarin.

Natuklasan ang pagnanakaw Miyerkoles ng umaga ng opening staff na si Jeffrey Obenza nang mapansin niya na sira na ang tension end bracket ng roll-up door ng branch at nang pasukin ay nakita ang vault na wasak na at wala nang laman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?