19

Apr 8, 2020 @ 14:50
By

Mandy Moore, pinakilig ang mga Pinoy

Tila nag-time travel ang mga fan nang mapanood ang live ng Hollywood singer na si Mandy Moore sa Instagram.

Marami ang hinihiling na kantahin nito ang pinaka-classic and hit song nito na “Only Hope” na theme song ng classic movie na “A Walk To Remember”.

And Mandy Moore did not disappoint them! Hinaranahan sila ng singer ng kanilang paboritong kanta at talagang maraming fan ang hindi napigilan maging emosyonal mapakinggan ang idolo na kantahin ang classic song nito.

Ayon kay Mandy, 20 years na nakalipas mula noong kantahin niya ang nasabing kanta.

“This is the song I sang one time almost 20 years ago. I’ve sang it once in a concert in the Philippines, but not that long after,” bitiw ng aktres.

Nagulat at na-flatter naman ang maraming Filipino fan nang malaman na sa Pilipinas pala niya huling inawit ang kanta.

In fact, nakakakilabot talaga kung nakanood ka noong live ni Mandy, at mas lalong nakakakilabot nang sabihin niya na sa Pilipinas pala niya huling kinanta ito.

Dapat ay mayroon siyang tour ngayong taon matapos ma-realease ang album niya na “Silver Landings” pero hindi ituloy natuloy dulot ng outbreak ng Coronavirus. Ipinahiwatig din ng singer na baka kantahin niya ulit ang favorite ng lahat na “Only Hope” kapag natuloy na nga ang kanyang concert tour.

Dahil dyan, maraming fan ang talagang nasabik at looking forward sa magiging tour ng kanilang idolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?