73

By

Mandatory dashcam sa mga sasakyan, isinusulong

Nais ng isang mambabatas na gawing mandatory ang paglalagay ng mga dashcam at iba pang recording device sa mga sasakyan.

Batay sa House Bill 4475 o ang panukalang “Motor Vehicle Digital and Electronic Recording Systems for Road Safety and Security Act” na inihain ni Iligan City Representative Frederick Siao, lahat ng mga motorista ay required na mag-install ng mga government-certified system upang magamit itong batayan kung sino ang may kasalanan sa isang aksidente at makakatulong din sa mga law enforcer na maresolba ang krimen.

Kapag naisabatas ang panukala, bibigyan ng tatlong taon ang lahat ng may-ari ng sasakyan at car manufacturers na magkabit nito.

Sinabi ni Siao na bibigyan naman ng proteksyon ang privacy ng isang tao kaugnay ng paggamit ng kuha ng mga dashcam.

Ipagbabawal din ang paggamit ng kuha nito kung wala namang aksidenteng naganap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?