179

Manatiling ligtas ngayong Ghost Month!

By Trina Martinez

Ang ghost month ngayong taon ay nagsimula ng Agosto 1 hanggang Agosto 29.

Pinapaliwanaan ng mga Tsino na tuwing ganitong panahon na kailangan maging maingat lalo na sa gabi.

Ayon sa kanila madami raw ligaw na multo at espirito ng ganitong panahon.

Inaabisuhan din ang mga tao sa ganitong panahon na hindi magpakasal, huwag magsimula ng business, at huwag magsimula ng konstruksyon.

Lahat ng kailangan ng malaking desisyon ay hindi inaabiso.

Ayon sa World of Feng Shui narito ang mga dapat iwasan:

1. Iwasan ang paglangoy. Sinasabi nila na ang mga namatay na nalunod ay maghahanap ng iba kapalit ng kaluluwa nila para sila ay muling isilang.

2. Panatiliin sa loob ang mga bata lalo na sa gabi, dahil sila ay lapitin ng mga gustong sumapi na espirito.

3. Iwasan ang paglipat ng bahay at paggawa ng bagong business ngayong buwan.

4. Huwag magpapakasal dahil maaring atakihin ng mga babaeng espirito na nagseselos.

5. Iwasan ang hiking at camping adventures dahil madaming gumagalang kaluluwa roon.

6. Mag-iingat palagi sa pagmamaneho para maiwasan ang aksidente.

7. Iwasang ilagay ang mga kamay sa sariling balikat. Sinasabi nilang lahat ng tao ay merong “three flames” sa katawan: sa noo at dalawa sa balikat. Hihina umano ang apoy o internal energy kapag tayo ay nagpatong ng kamay dito.

8. Panatilihing malinis ang noo at walang sagabal na bagay. Katulad ng mga balikat mayroon ding apoy dito.

9. Mayroong paniniwala na kapag nagtapon ka ng mga kutsilyo at gunting papunta sa thunderstorm, pinipigilan nito ang pagpasok ng kaluluwa sa inyong bahay.

10. Tandaan din na magsunog ng incense o magbigay ng alay sa labas ng bahay katulad ng lechon, kanin, chicken, beer, sigarilyo, at candies.

Ito umano ang mga pagkain na nagpapasaya sa mga kaluluwa noong sila ay buhay pa.

Pinapaniwalaan ng mga Chinese na makukuha ng good fortune gamit ang pag-aalay ng pagkain at kanlungan sa ganitong panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?