59

By

Mananaya sagana ang Pasko sa P50M Super Lotto jackpot

Nasolo ng isang mananaya ang P50 million jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola kagabi, Disyembre 1.

Ayon sa PCSO, tumaya ang lone bettor sa isang outlet sa Baclaran, Parañaque City.

Natumpak niya ang winning combination na 35-38-09-17-10-15 na may jackpot prize na P50,305,924.40.

Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?