32

Mananamantala sa dagdag-fuel excise tax, pinababantayan sa DTI, DOE

Maagap na pinakikilos ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Energy sa laban sa mga posibleng pagsasamantala sa pagtataas muli ng excise tax o buwis sa pag-aangkat ng petrolyo.

Pinagsabihan ang dalawang ahensya na agad nang bumuo ng task force na titiyak na hindi agad magtataas ng presyo ang mga kumpanya ng petrolyo at ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan.

Batay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, epektibo nitong Enero 1 ang dagdag na P2 sa excise tax ng bawat litro ng petrolyo.

Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, dapat siguraduhin ng DTI at DOE na wala pa iyong magiging epekto sa presyo ng petrolyo at mga bilihin sa loob ng susunod na 15 araw o higit pa dahil may lumang imbak dapat ang mga kumpanya ng petrolyo.

Tinukoy ang utos ng DOE na mag-imbak ang mga kumpanya ng petrolyo ng pambenta para sa 15 araw o higit pa.

Nangangahulugan na ang inilalabas ngayon sa mga gasolinahan ay nabili noon pang Disyembre kung kailan hindi pa nadadagdagan ang excise tax. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?